Anong Mabibili sa Ghanaian Market

Noong bata pa ako, lagi akong dinadala ni mama sa palengke every Sunday. Minsan, sa Sto Niño, Meycauayan o sa Bayan, Meycauayan kami namamalengke.

Merong suki si mama sa kahit anong karne, isda, itlog, gulay at prutas.

Madami rin akong natutunang mga techniques sa pamimili. Meron yung hinahawakan, pinipisil, inaalog, pinipitik, tinititigan para malaman na fresh o may quality yung mga binibili. Meron pa yung hirit na “Suki, babaan mo naman yung presyo” o “Suki, bigyan mo ako ng maganda”.

Noong mejo busy na lahat at noong lumipat na kami sa Manila, nawalan na ng oras mamalengke, sa grocery na kami bumibili. Lahat naka-package na lahat and refrigerated. Naka-kilo na rin.

Though mas convenient and arguably mas malinis sa mga grocery stores, iba pa rin ang experience sa palengke.

Nang ako’y nang-ibang bansa, sa grocery pa rin ako namimili. Kahit dito sa Ghana, hindi pa ako namili sa “market”. Sa area namin, may dalawang “market day”. Every Tuesday sa Kasseh town and every Friday naman sa Ada Foah. Hindi pa ako nakabili ng groceries sa town, until last Tuesday .

Nagusap kami ng colleague ko noong isang araw at tinanong ko kung saan makakabili ng bawang.

Dito sa Ghana, malimit mong makita na gumagamit sila ng bawang. Hindi ko rin napansin kung merong bawang sa mga grocery stores. Nirecommend nya na pumunta ako sa Ada Foah market, kaya nagpunta ako.

Container store

Kadalasan ang mga tindahan dito, nasa gilid ng mga kalsada. Madalas din na containers ang gamit nila as shop.

Mga tinitinda sa isang shop

Maaalahintulad sa sari-sari store ang mga paninda nila. May mga delata, gatas, stationaries, candies, toiletries, emergency items at kung ano ano pa.

Ada Songhor Salt

Eto ang pinagmamalaking salt ng Ada. Dito sa Ada matatagpuan ang Songhor Lagoon, ang lagoon kung saan hina-harvest ang salt na ineexport pa sa mga karatig bansa sa West Africa.

Kadalasang makikita ang mga tindera na bitbit ang paninda sa ulo nila. Madalas din na may dala silang bangko, kung kinakailangan nilang magpahinga o kailagan nilang ilapag ang kanila ng paninda para sa mga customer.

Eto si maame (mother) na nagtitinda ng mga gulay at iba pang ingredients.

Sa halagang GHC 44 (Php 421.93) eto ang mga nabili ko:

5 pcs na itlog

3 pcs bawang

18 pcs shallots

3 pcs ginger

7 pcs lime

1 pc medium cabbage

2 pcs carrots

5 pcs tomatoes

4 pcs lettuce

3 pcs garden eggs

16pcs Okra

1 pack spaghetti pasta

3 packs Indomie

Napaka-nostalgic bumili sa market. Matagal na ako sa area na ito, pero ngayon palang ako namili. Nakakatuwa rin na makipag-interact sa mga locals.

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s