OFW Versus Covid-19

Ang hirap sa panahon ngayon. Ang bilis na lumalaganap ang Covid 19 o Novel Coronavirus.

Malayo ka na nga sa pamilya, nakakatakot pa ang mga balita. Araw-araw, nadadagdagan ang infected cases sa iba’t ibang bansa. Nag-lolockdown ang mga bansa. Nauubusan ng mga sanitizers, tissues at vitamins. Nagtataasan din ang mga bilihin.

Nawawalan ng ka ng job security. Madaming companies ang nag-lay off na nang kanilang mga staff. Ang ibang mga OFW, naka forced leave, o hindi makabalik dahil sa re-entry ban. Ang iba, tinerminate dahil sa closure ng mga businesses.

Bumagsak din ang ekonomiya. Bumaba ang palitan ng pera. Bumaba ang halaga na napapadala.

Biglaan ang mga pangyayari. Madaming hindi handa. Madaming naapektuhan.

Ano nga bang mga magandang gawin nating nga OFW sa panahong kagaya nito?

1. Alagaan ang sarili.

Kailangang alagaan natin ang sarili natin dahil hindi natin afford na magkasakit. Nakakapagod ang panahon ngayon. Madaming kasama sa skeleton staff.

Uminom ng vitamins and supplements. Ugaliing maghugas ng kamay. Subukang ding iincorporate ang pag-exercise regularly specially sa mga naka-quarantine na kain ka ng kain. Need pa rin ng outlet na ma-burn yung fats diba. Para kapag na-lift na ang ban, bongga ka pa rin.

2. Find an outlet na marelease yung stress

Mag-open ka ng YouTube account or makisali ka sa Tik-tok craze. Kung mejo health conscious ka, mag-exercise ka. Pwede din naman na mag-meditate and practice mindfulness.

Find an outlet that will stir your mind away from stress and worry. Nakaka-panic kasi ang stress. The more na na-bobother ka, the more na na-paparalize ka in a sense na wala ka nang nagagawa but to think about about what’s happening all the time. Feeling down ka na. Very dull ka na. Besh, nakakabawas yun ng ganda!

Knowledge is power. Madaming balita ang naglalabasan sa social media at news. Minsan contradicting na. Hindi mo na alam kung ang totoo at haka-haka.

3. Makibalita. Yung tamang balita lang ha!

May balita na pakulo lang ng World Health Organization ang Coronavirus. Meron pa na kapag kumain ng saging, hindi ka magkakaroon ng virus. Ayan tuloy, nagtaas na din ng presyo ng saging.

Mag-ingat sa mga balita online. Kapag nasa ibang lugar ka, mahirap i-identify ang tama sa hindi. Hindi mo alam kung totoo ba yung mga nakikita mo na figures. Nakaka-dagdag pa yun sa stress na naeexperience natin.

Always check World Health Organization’s page for reliable results.

4. Wag matigas ang ulo. Kung hindi mo alam, hindi ka expert sa Coronavirus.

Kapag sinabing mag self quarantine, makinig tayo. Hindi naman nakakabawas ng pogi at ganda na makinig sa mga health professionals and expert.

Madami kasi na feeing magaling. Sinasa-walang bahala yung mga advise ng mga expert sa larangan ng health.

Wala ka naman nang dapat i-prove. May symptoms ka na ng Covid-19, gusto mo pang patunayan na simpleng sipon lang sya. Labas ka pa rin ng labas. Sige, magpaka-bida ka at iinfect mo lahat ng tao. Triggered ako, nakaka-inis.

5. Magdasal at magtiwala kay God.

Hindi natin hawak ang sagot kung kailan matatapos itong pandemic. Hindi natin alam kung gaano katagal pa nating mararanasan ang ganitong set-up.

Find comfort in God. Find time na magnilay nilay and seek His assistance. Mag-scroll ka sa Facebook, maramimg shini-share na passage from the Bible na comforting. Eventually, this will come to an end, He promised. So tiwala lang.

6. Look at things in a different angle.

Noong nagsimula ang pag-spread ng virus, marami ang nag-curse. Bakit ganyan, bakit ganito. Anong ginagawa ng gobyerno. Hindi marunong ang gobyerno.

Madaming nagdiscriminate. Lahat ng singkit, iniwasan. Ang iba talagang pinagsasalitaan pa ng masasakit na salita.

Kung titignan sa ibang perspective, meron ding magandang effect ang pandemic.

Una, nagkaroon ng time ang Earth na mag-heal. Napabalita na nabawasan ang pollution sa China sa pag-close ng factories. Gayun din sa Italy. Recently, meron akong nakitang balita na nag-clear ang tubig sa Venice.

Pangalawa, kumilos ang government. Yung mga government agencies hindi mo nararamdaman, ngayon, namamayagpag. Nakikita mo na nag-aalot sila ng funds para matulungan ang society. At least ngayon, nalaman ng mga tao na kaya naman pala ng government natin na mag-labas ng pera for the good of every Filipino. Na-push sila na gawin ang dapat nilang gawin. Hindi lang sila display or “for the sake of formality”.

Third, nagkaroon ng oras ang mga tao na gawin and magfocus on what’s important. Instant realization. Ngayon, madaming ang nagfofocus sa health nila. Mas hygienic din ang mga tao dahil hindi pwedeng dugyot sa panahon ngayon. Ngayon, nagkaroon ng time para i-check ang mga relatives na matagal nang hindi nakakausap. May iba na ring pinaguusapan ang mga tao, hindi nalang laging padala, pera at materyal na bagay.

Fourth, naging maparaan ang mga tao. Now, people work from their homes. Pati classes, naging possible na gawing virtual. Meron din namang na-papost ng mga pinagkakaabalahan nila sa socila media na very entertaining. Naging maparaan ang mga tao sa way nila ng pag-entertain nila sa sarili nila to fight boredom. Hindi na need na lumabas at maghanap ng iba. Wow! #hugot


We have to take the pandemic seriously. Hindi sya joke. Madami nang na-perwisyo. We need to boost our immune system and alagaan natin ang sarili natin. At the same time, we have to remain calm and present pa rin. To do this, it is best to be abreast sa current situation. Only believe sources na reliable. Also, trust na kaya natin ang situation na to. It’s temporary. Matatapos rin to. Trust in God, and seek for His assistance. Makakatulong rin na hindi tayo always nega and masalimuot. We need to always look sa postive while recognizing and acknowledging yung negative effects. Lagi din tayong makinig sa mga health professionals. Pinag-aralan nila to. Meron silang continuous training to make sure na ma-contain ang situation. They know how to best manage the situation.

Paalala lang din. If in any case na magkaroon ka ng symptoms ng Coronavirus, inform Philippine consulate or embassy para ma-advise nila kayo kung anong dapat gawin. If merong filipino community in your area, inform them too. Meron silang mga measures na iniimpliment to assist yung mga OFWs.

In difficult times like this, sino sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo rin. Kaya natin to. Keep safe everyone.

BACK TO TOP


Follow Millennial OFW on Facebook and Instagram.

Got some feedback? I would love to hear what you think! Comment down below or send me a mail at hellomillennialofw@gmail.com.

Thanks for reading!

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s