Story of Mark Biascan, OFW sa Dubai for 9 years

Ilang taon ka nang nagtratrabaho sa Dubai? Saan ka nagtratrabaho? Gaano ka na katagal sa pinapasukan mo? Kumusta naman ang trabaho?

8 years na at going to 9 years sa August 1, 2020. Nagsimula ako mag trabaho sa isa sa kilalang 5 star hotel (Jumeirah Beach Hotel), then after 2 years and 3 months, nakalipat ako sa sister Hotel (Madinat Jumeirah – Al Qasr), at lastly after 5 long years (forgot kung ilang months), I landed a job and currently working as a Learning Support Assistant for a Child with special needs sa isang School. Currently, I’ve been with my Client for 6months na and I had to say na sa simula, nakakagulat kasi nga bago ang environment and truthly told wala akong background in handling a Special Child especially in a school environment. But still, everyday is an adventure and all is well naman.

Paano ka napapadpad sa Dubai? Anong unang naging trabaho mo? Naka ilang industriya o company ka na simula noong unang paglapag mo sa Dubai?

Napadpad ako dito sa Dubai nung June 2011, inisponsoran aq ng parents ko para makapunta dito. Ang first work ko dito sa Dubai ay isang Housekeeping Attendant sa isang 5 star Hotel. In my current work, 2nd pa lang sya considered na galing ako sa Hotelier environment and shifted being a Learning Support Assistant sa School environment.

Kumusta naman ang buhay abroad? Umuwi ka ba sa Pilipinas?

Ang buhay abroad ay mahirap. Oo, nabasa mo ng malinaw na mahirap ang buhay abroad. Masarap lang sa pandinig ang salitang abroad. At kung sa pag babakasyon lang naman, every year akong umuuwi ng Pilipinas, kung pwede nga lang umuwi kada buwan, bakit hindi.

…mahirap ang buhay abroad. Masarap lang sa pandinig ang salitang abroad.

Mark Biascan, OFW in Dubai

Bakit mas pinili mong magtrabaho sa ibang bansa?

Well, I do admit and most of us especially sa mga OFW sasang ayon na mahirap kumita sa Pilipinas ng katulad ng kinikita mo kapag nag tratrabaho ka sa ibang bansa.

Paano ang mag build ng family sa ibang bansa? Ano ano ang nga dapat na iconsoder?

Well, I’ve just started my family and I can honestly say na mahirap lalo na sa ibang bansa. Dapat mong iconsider ang financial status mo first thing kasi kung hindi stable ang finances mo sa ibang bansa, ilulubog ka ng mga dapat mong bayaran to survive. Cost of living, food, transportation, allowance, idamay mo pa ang bisyo kung meron man.

Ano ang mga masasabi mong achievements mo simula nang mag abroad ka?

Surviving everyday is an achievement! Hahaha, putting the jokes aside I can say na having this experience to be expose to different types of people and how to adjust to them, blending to different cultures and giving each and everyone respect.

Ilan taon pa ang gugugulin mo sa ibang bansa bago ka mag “for good” sa Pilipinas? Meron ka bang balak na umuwi?

Ilang taon pa?! Sa totoo lang, hindi na ako makapag antay umuwi ng Pilipinas at mag for good na. Enough na ang almost 9 years bilang OFW.

Meron ka bang gustong sabihin Sa mga nagbabalak na maging OFW, sa mga OFW, sa mga pamilya ng mga OFW o Sa mga naiintriga sa buhay ng isang OFW?

First, mali ang perception ng mga tao sa salitang ABROAD. Hindi masarap mag ABROAD, masarap siyang pakinggan dahil ang alam ng lahat na marami kang kinikita kapag nag tratrabaho ka sa ibang bansa. Ang hindi nila alam kung papaano mo kinikita ang sinasahod mo kada buwan. At ang sahod mo ay kelangan mong hatiin sa pagpapadala sa pamilya mo sa Pilipinas, pambayad mo ng utang para makapag abroad kung meron man, pambayad sa tinutuluyan mo para matulog at magpahinga, pagkain mo sa araw-araw para maka survive, pamasahe mo papunta sa trabaho at pauwi ng bahay (swerte na kung meron kang accommodation at transportation na sagot ng company), gamot at vitamins (kung wala kang insurance at nakaka iyak pag nagkasakit ka) at huli syempre kung meron kang biyso (kaya instead na mg bisyo ka, idagdag mo nalang sa maipapadala mo)

Second, kung ikaw ay mag aabroad siguraduhin mo na buo ang loob mo at handa kang kainin ang pride na meron ka sapagkat hindi uso sa ibang bansa ang pride.Na handa kang iwanan ang pamilya mo kapalit ng salapi na kikitain mo at makakapiling sila ng isang buwan o less pa sa loob ng isang taon, ‘yon eh kung papalarin ka na makapag bakasyon.

Lastly, kung ikaw ay isang OFW we should appreciate this chance na makapag trabaho sa ibang bansa dahil hindi lahat ay pinapalad makalabas ng bansa. Lagi nating isipin na we are blessed dahil itinalaga tayo ng may Kapal kung san man tayong bansa ngayon dahil meron syang rason dito, ang sabi nya nga sa kanyang salita sa Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future”.

God bless!!!

BACK TO TOP


So there you have it! Hope you’ve gain insights with this interview. Please show some support by liking and sharing this post.

Follow Millennial OFW on Facebook and Instagram.

Got some feedback? I would love to hear what you think! Comment down below or send me a mail at hellomillennialofw@gmail.com.

Thanks for reading!

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s